• Kent Garcia

MNL48 fan clubs, magtatagisan sa MNLoves Community League


(larawan mula sa Precious48 Facebook page)


Magtutuos ang iba’t ibang fan club sa loob ng MNL48 community sa larangan ng Mobile Legends sa pagsisimula ng MNLoves Community League (MCL) bukas, sa pangunguna ng fan group na Precious48.


Ayon sa isa sa mga admin ng Precious48 na si Eds Master, sumibol ang ideya para sa isang Mobile Legends tournament mula sa serye ng mga Mobile Legends showmatch na ginawa nila habang nasa quarantine period nitong Marso. Dahil sa positibong resulta at dami ng viewers sa mga naturang showmatch, nagdesisyon sila na planuhin na ang isang mas malaking tournament na sasalihan ng mga fan clubs.


(larawan mula sa Precious48 Facebook page)


25 na fan clubs ang magpapasiklaban sa MCL. Single elimination ang magiging tournament format at bawat match-up ay best-of-three series. Ipapalabas araw-araw sa Facebook page ng Precious48 ang mga mismong laban.


Tatagal ng dalawang linggo ang MCL habang magkakaroon din sila ng tournament break dahil sa paparating na Virtual Handshake Event sa susunod na linggo. Sa kasalukuyan, mahigit na Php3,000 na cash prize at exclusive photocards ang naghihintay sa mga magwawaging fan club.


Pinaaabot naman ni Eds ang kanyang pagbati sa mga sasali. “Ginawa namin tong tournament na to para mag enjoy lahat ng mga fans sa free time nila at magkaroon ng unity sa fandom”, sabi niya sa isang maikling panayam para sa PAKSA MNL. Dagdag rin niya na ang pinaka-importanteng bagay na dapat isipin ng mga sasali ay ang pag-representa sa kani-kanilang mga kami-oshi at fan clubs.



Narito ang schedule para sa mga unang serye ng laban sa MCL:


[August 14, 2020] Nile vs One for Alice - 4pm (offstream); TPJ vs Francheese - 7pm (LIVE) Amynamics vs Diankatsu - 8pm/8:30pm (LIVE)


[August 15, 2020] Bybis vs Breilievers - 4pm (offstream); Sheki Sakuras vs Jaydeenatics - 7pm (LIVE); Yzabel's Waddle vs Emzmazing Emzstars - 8pm/8:30pm (LIVE)


[August 16, 2020] Beasts vs ICE Snowflakes - 4pm (offstream); Vampire Princess vs Dana Believers - 7pm (LIVE); Golden ReTrishvers vs Abenusians - 8pm/8:30pm (LIVE)

78 views
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle

PAKSA MNL aims to be the main media platform in providing entertaining, informative, and insightful pieces made by the fans and for MNL48 fandom.

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now