• PAKSA Staff

TAIGA-HANGA

Written by: vezhelle

Dedicated to: MNL48

Hindi ko pa sila kilala Ni kahit isa sa kanila Wala akong ka ide-ideya Nung mga showtime Era Hindi ko sila nasubaybayan O sa telebisyo'y napalakpakan Hindi dahil sa di ko sila gusto Kundi wala kaming channel 2 Hanggang sa nagkaaron kami ng TVPlus Yes! May 2 narin kami sa wakas Kaso nung mga panahong yon Wala na ata kayo sa Showtime non Alam nyo kung san ko kayo nameet? Don sa may tagline na "Your choice, Your Music" Sa paulit ulit nyong pagkanta Nahook ako sa "Talulot ng Sakura" Napaindak din sa Aitakatta At napansin ang babaeng laging pinapakita Oo, ikaw yon, Ms. Arzaga Sa MNL48 ikaw ang una kong nakilala Naging interesado na nga todo Tinapos ang I-school episodes ng buo Isang buwan siguro ang inabot ko Oks lang, Atleast nagka-ideya na ko kung sino kayo Grabe din yung MashUp Sa pagiging MNLoves ko ,abay lumevel Up Dami ko ding natutunan Lalo na kay idol teacher Anne Wala ako nung showtime Era Hindi parin ako Fan nung 'Aitakatta' Pero ngayon, 'Gusto ko na kayong makita' Sa skills, personality and time management nyo,akoy napahanga 'Kahit na sino' 'Lahat kayo'y aking gusto' Mapa-Team M2,NIV or L man Nais ko kayong masilayan Lalo ko kayong hinangaan Sa ilang kantang tunay makahulugan Mga kantang tungkol sa buhay Sa pag-ibig, kaibigan at sa tagumpay 'Mga butil luha ay kusang nahuhulog' Tears of Joy, pag kayo'y dinudumog 'Sa pagtahak sa bagong yugto ng inyong buhay' MNLoves , 'Mga kamay sabay-sabay nating 'wagayway' Kahit na 'Ang tadhana'y mapagbiro' Promise nyo samin, walang susuko Sabi nyo nga, 'Kahit ang kadiliman' 'Di nyo uurungan' Idol- or student-problem man We believe na kaya nyo yan! 'Tulad ng pangarap na pinaglalaban' Kaya nyo ring iyan lagpasan! 'Tulad ng panahon,nagbabago sikat ng araw' Ngayong 2020, Kayoy mangingibabaw Ito ang inyong magiging 'Glory days, Glory days' Maraming Pilipino sa inyo'y ma-aamaze Kahit may 'Mga araw na di umaayon sa'nyong plano' Naniniwala kaming 'Bukas pagsisipagan nyo' Parami na kami ng parami Ramdam namin na kayo'y happy-ng Happy Sa events or mallshow di pa nakakapunta Pero tuloy parin aking suporta Kahit sa smallest and simplest way mananatiling MNLoves all the way!

61 views
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle

PAKSA MNL aims to be the main media platform in providing entertaining, informative, and insightful pieces made by the fans and for MNL48 fandom.

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now